16 SEPTEMBER 1935 ay ang petsa na nakakatatak sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas. Sa araw na ito ay ginanap ang kauna-unahang halalan para iboto ang PANGULO at PANGALAWANG PANGULO NG PILIPINAS kasama ang mga KONGRESISTA at SENADOR sa isang PAMBANSANG HALALAN o NATIONAL ELECTIONS na kung saan pipili ang mga Pilipino ng mamumuno sa bansa sa ilalim ng gabay ng Estados Unidos para sa eventual transition patungong INDEPENDENCE. Ang eleksyon na ito ang magsasanay sa mga Pilipino kung paano pumili ng mga lider ang isang demokratikong malayang bansa.

Naglaban-laban sa pagkapangulo sina:

  1. EMILIO AGUINALDO – dating Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas
  2. MANUEL QUEZON – Dating Senate President
  3. GREGORIO AGLIPAY – Ang Founder ng Iglesia Filipina Independiente
  4. PASCUAL RACUYAL – Isang Mekaniko na taga-Cebu

Resulta ng Halalan:

  1. MANUEL QUEZON – 695,332 votes
  2. EMILIO AGUINALDO – 179,349 votes
  3. GREGORIO AGLIPAY – 148,010 votes
  4. PASCUAL RACUYAL – 158 votes

Ang Pilipinas noon ay mayroong 1.6 milyong rehistradong botante ngunit nasa kabuuang 1,022,547 milyon lamang ang sumali at bumoto sa halalan. Nakuha ni MLQ ang 67.98% majority votes habang sina EL PRESIDENTE at AGLIPAY naman ay may 17.53% at 14.47%, respectively. Si Racuyal ay may 0.02% sa kabuuan ng mga bumotong Pilipino.

Nanalo rin ang running mate ni MLQ na si SERGIO OSMEÑA na may 812,352 votes o 86.91% sa total ng mga bumoto para sa  Vice President position. Sina Pangulong MLQ at Osmeña ang unang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng COMMONWEALTH PERIOD o ERA sa Pilipinas. Kahit noong nagkaroon ng WWII, ang Commonwealth Government ng Pilipinas ay inilipat sa Estados Unidos in Exile kasabayan ng Puppet Government o Second Republic ng mga Hapones dito sa Pilipinas na pinamunuan ni Pangulong Jose P. Laurel.