Ang MARANGAL NA DALIT NG KATAGALUGAN ay ang maituturing nating PINAKAUNANG PAMBANSANG AWIT ng Pilipinas. Ang Katagalugan na tinutukoy rito ay ang buong Pilipinas dahil ayaw nina Bonifacio na tawaging INDIO ang mga katutubo habang ang mga FILIPINO naman noon ay ang mga Espanyol na dito sa Pilipinas ipinanganak o ang tinatawag na mga INSULARES.

Ang awiting ito ay pinagawa ni GAT. ANDRES BONIFACIO kay JULIO NAKPIL noong 1896 bilang himno ng KATIPUNAN. Ang komposisyon na ito ni Nakpil ay unang narinig sa BALARA noong NOBYEMBRE 1896. Nang nilansag ang Katipunan noong 1897, ang awiting ito ang ginawa nang Pambansang Awit ng Pilipinas o nang tinawag na REPUBLIKANG TAGALOG.

Narito ang lyrics base sa pagkaalala ng kompositor noong siya’y nasa otsenta anyos na dahil ang orihinal na kopya ng pagkakatugtog at lyrics ng kanta ay kasama sa mga nasirang cultural treasure sa Battle of Manila noong 1945.

Marangal na Dalit ng Katagalugan

Ni Julio Nakpil

Mabuhay, Mabuhay yaong Kalayaan, Kalayaan

At pasulungin ang puri’t kabanalan

Kastila’y mailing ng Katagalugan

At ngayo’y ipagwagi ang kahusayan

Mabuhay, Mabuhay yaong Kalayaan, Kalayaan

At pasulungin ang puri’t kabanalan

Kastila’y mailing ng Katagalugan

At ngayo’y ipagwagi ang kahusayan