Ang PAGASA o PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL, AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION ay ang ahensya ng pamahalaan na siyang gumagabay sa mga Pilipino sa pang-araw-araw na takbo ng panahon sa buong Pilipinas. Ino-obserbahan ng ahensya ang galaw ng mga ulap, temperatura, at hangin sa apat na direksyon ng bansa lalo na ang mga malalawak na karagatan na nakapalibot sa Pilipinas partikular na ang Karagatang Pasipiko na napaka-aktibo sa pagbubuo ng mga bagyo. Ang tawag sa bahagi ng Pasipiko na kung saan nagsisimula ang bagyo ay “Western Pacific Ocean Typhoon Belt”.

Ayon sa PAGASA, ang average na dami ng bagyong pumapasok sa Pilipinas ay nasa 18-20 na maaring madagdagan pa dahil sa nangyayari ngayon na Climate Change. Bukod pa riyan ay nakakaapekto rin ito sa lakas ng hangin at tubig-ulan na dala ng bagyo. At speaking of BAGYO – ang ahensya ay may mga nakahandang pangalan para sa mga bagyo base sa suhestyon ng mga tao na nakalap nila noong 2001. Mayroong 100 NAMES na DIVIDED INTO 4 SETS na nakaayos in ALPHABETICAL ORDER. Bukod pa riyan, mayroon din silang nakahandang 40 AUXILIARY NAMES DIVIDED INTO 4 SETS rin sa pagkakataon na sobrang daming bagyo talaga ang pumasok sa bansa in a year at naubos na ang isang set ng mga pangalan na 25 names sa taon na iyon ay dito nila kukunin sa auxiliary.

At narito ang mga pangalan ng Bagyo na nasa listahan ng PAGASA:

SET 1SET 2SET 3SET 4
2021202220232024
2025202620272028
2029203020312032
2033203420352036
SET 1SET 2SET 3SET 4
AURINGAGATONAMANGAGHON
BISINGBASYANGBETTYBUTCHOY
CRISINGCALOYCHEDENGCARINA
DANTEDOMENGDODONGDINDO
EMONGESTEREGAYENTENG
FABIANFLORITAFALCONFERDIE
GORIOGARDOGORINGGENER
HUANINGHENRYHANNAHELEN
ISANGINDAYINENGIGME
JOLINAJOSIEJENNYJULIAN
KIKOKARDINGKABAYANKRISTINE
LANNIELUISLIWAYWAYLEON
MARINGMAYMAYMARILYNMARCE
NANDONENENGNIMFANIKA
ODETTEOBETONYOKOFEL
PAOLOPAENGPERLAPEPITO
QUEDANQUEENIEQUIELQUERUBIN
RAMILROSALRAMONROMINA
SALOMESAMUELSARAHSIONY
TINOTOMASTAMARAWTONYO
UWANUMBERTOUGONGUPANG
VERBENAVENUSVIRINGVICKY
WILMAWALDOWENGWARREN
YASMINYAYANGYOYOYYOYONG
ZORAIDAZENYZIGZAGZOSIMO

AUXILIARY NAMES AS OF JANUARY 2021

SET 1SET 2SET 3SET 4
ALAMIDAGILAABEALAKDAN
BRUNOBAGWISBERTOBALDO
CONCHINGCHITOCHAROCLARA
DOLORDIEGODADODENCIO
ERNIEELENAESTOYESTONG
FLORANTEFELINOFELIONFELIPE
GERARDOGUNDINGGENINGGOMER
HERNANHARRIETHERMANHELING
ISKOINDANGIRMAISMAEL
JEROMEJESSAJAIMEJULIO

Ibig sabihin, halimbawa, ang mga pangalan na nasa SET 1 ay yun ang mga gagamiting pangalan sa mga taon na nasa SET 1 din and so on. Nire-recycle lang ng PAGASA ang mga pangalan ngunit kung ang bagyo ay sobrang mapaminsala sa buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga tao, ito ay kanilang tinatanggal sa listahan at nire-retiro at papalitan ng panibagong pangalan doon sa set na tinanggalan.