Si PETRONILA BRIONES-OPOL ay ang sinasabing pinakamatandang Pilipino na nabuhay nang napakatagal sa kasaysayan ng Pilipinas base sa kanyang record ng Birth Certificate. Nakalagay at certified ng NSO na ipinanganak siya noong 21 OCTOBER 1851 sa Barangay Tamboon, Viga, Catanduanes province sa Bicol.  Ang mga magulang niya ay sina Pascual Briones at Bonifacia Tuangco.

Nakapag-asawa siya at nagkaroon ng iisang anak at nanirahan sa PINEDA na dating pangalan ng PASAY CITY ngayon. Namatay si Lola Petronela noong 7 FEBRUARY 1981 at nakahimlay sa PASAY CITY CEMETERY. Nabuhay siya sa loob ng 129 YEARS, 3 MONTHS, and 17 DAYS. Ang sanhi naman ng kanyang kamatayan ay cardiopulmonary arrest ayon sa kanyang death records.

Siya ay 9 YEARS OLD na nang maipanganak ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Naranasan niya ang panahon ng mga ESPANYOL at AMERIKANO at nag-survived siya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) sa pananakop ng mga HAPONES. SAMPUNG PRESIDENTE NG PILIPINAS ang nasaksihan niya mula kay Aguinaldo hanggang kay Marcos. Si Lola ay masasabi rin nating pinakamatandang nabuhay na tao sa modernong panahon ngunit hindi ito na-recognize ng Guinness Book of World Records dahil ibinigay nila ito sa isang Hapones na Lolo na nasa edad lamang na 115 years old.