Ang ANIME ay ang mga TV series na gawa sa animation o mga drawing na karamihan ay hango sa mga komiks o Manga kung tawagin bansang Hapon. Sikat na sikat ang ANIME sa Pilipinas simula pa noong 1970s na kung saan Voltes V ang pinakaunang anime na ipinalabas sa Philippine TV. Sa pagdaan ng mga taon, lalo pang dumami ang mga anime na pumasok sa Pilipinas at karamihan pa nga sa mga ito ay isinalin pa sa Filipino ang pagsasaboses o dubbing ng mga karakter. Dahil sa impluwensiya nito, hindi papahuli ang mga Pinoy dahil marami na ring mga ang mga gumawa ng sarili nilang mga komiks na anime ang tema. At pinaka-recent nga dito ay ang TRESE Fever na ipinalabas sa Netflix nitong June 2021.

At narito ang listahan ng mga Anime – movies at TV series na #ProudToBePinoy ang pagkagawa…

  1. TRESE (2021)

Ang Trese ay TV Series sa Netflix na adapted mula sa komiks na may parehong pamagat. Tungkol ito sa mga Filipino Folk Mythical Creatures na kalaban ng ating bida na si Alexandra Trese na may misyong panatilihin ang balanse ng Mundo ng mga Tao at Mundo ng Karit-an.

  1. HAYOP KA! (2020)

May temang pang-adult ang anime film na Hayop Ka dahil tungkol ito sa mga tuksong minsan ay hindi naiiwasan ng mga tao para makuha ang mga ninanais niya sa buhay tulad ng kayamanan at kasikatan ngunit may kapalit na hindi maganda sa relasyon romantiko, pagkakaibigan, at pamilya.

  1. BARANGAY 143 (2018)

Ito ay isang TV series anime na ipinapalabas sa GMA 7 tungkol sa paboritong sport ng mga Pinoy – ang basketbol.

  1. PAGLISAN (2018)

Ito ay pelikula tungkol sa buhay mag-asawa na middle-aged na gawa ni Carl Papa at nanalo na Best Picture sa Cinema One Originals Film Festival noong 2018.

  1. SAVING SALLY (2016)

Ang Saving Sally ay isang live-action animated film tungkol sa dalawang magkaibigan na may temang “Knight In Shining Armor”. Pero ang mas nakakabilib dito ay ginawa ang pelikulang ito sa loob ng 12 years.

  1. RPG METANOIA (2010)

Ang full 3D animation na ito ay isang pelikula tungkol sa impluwensya ng MMORPG sa mga kabataan na madalas babad sa online games ngunit nakalimutan na ang tunay na larong Pinoy na may actual na interaksyon sa mga kalaro niya.