Para sa mga mag-aaral ng elementarya sa Pilipinas, isa sa mga asignatura o subjects na ating pinag-aralan noon ay ang HEKASI o Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika. Dito sa subject na ito natin nalalaman ang ating kasaysayan at mga personahe sa likod ng pagkabuo natin bilang isang bansang may soberanya at kalayaan sa paglipas ng panahon. Dito rin natin syempre natutunan ang mga mananakop na humubog din sa ating kasaysayan. At higit sa lahat, dito natin nababasa ang mga makasaysayang pook sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Speaking of mga pook na makasaysayan, ang mga lugar na ito ay hindi lang hanggang sa libro lang natin mababasa, maaari natin silang pasyalan o puntahan at maranasan mismo ng ating mga senses kung ano ang meron sa mga lugar na ito. At ito ang SAMPUNG PINAKATANYAG NA PINUPUNTAHAN ng mga Pilipino na nabasa lang nila noon sa libro ng HEKASI.

  1. RIZAL PARK – MANILA
  1. BANAUE RICE TERRACES – BANAUE, IFUGAO
  1. CAGSAWA RUINS – DARAGA, ALBAY
  1. DAMBANA NG KAGITINGAN – PILAR, BATAAN
  1. BARASOAIN CHURCH – MALOLOS, BULACAN
  1. AGUINALDO SHRINE – KAWIT, CAVITE
  1. LEYTE LANDING MEMORIAL – PALO, LEYTE
  1. CORREGIDOR ISLAND – MANILA BAY, CAVITE CITY, CAVITE
  1. INTRAMUROS – MANILA
  1. MAGELLAN’S CROSS – CEBU CITY