Ang TIRAD PASS MEDAL ay isang medalyang iginagawad sa mga sundalong Pilipino na nagpakita ng katapangan at katapatan sa pakikipaglaban sa mga kalaban ng Hapon, mapa-Amerikano man o mapa-kapwa Pilipino. Ito ay bilang paggunita sa bayani ng Pasong Tirad sa Ilocos Sur na si Heneral Gregorio Del Pilar na nagsakripisyo at nag-alay ng kanyang buhay laban sa mga mananakop na Amerikano. Ang mga nakatanggap ng medalyang ito ay tinatawag na kasapi ng THE ORDER OF TIRAD PASS.

Noong 1944 sa panahon ng Japanese Occupation, sa ilalim ng puppet government ni Pangulong Jose Laurel, ay naisipan nilang bigyan ng “service award” ang mga Pilipinong nakiisa at nakipag-cooperate sa layunin ng mga Hapones. Si Pangulong Laurel ay naisipang ipapangalan ito kay GOYO, ang pinakabatang heneral nang panahon ng rebolusyon, na napatay ng mga Amerikano sa Tirad Pass. Ito lang ang bukod tanging military medal ng pamahalaan ni Laurel na itinago, itinapon, o kung ano pa man ng mga nakatanggap nito upang hindi malaman at mapagbuntungan ng galit ng mga Pilipino dahil sa mga atrocities sa panahon ng giyera.

Ang disenyo ng medalya ay gawa sa tanso o bronze na may mukha sa harapan ni Heneral Del Pilar na may nakasulat na Courage, Motherland, Loyalty sa wikang Latin, at ang nasa likod naman ay laurel leaves na may nakasulat na Tirad Pass Medal. Isa sa unang nagawaran ng medal na ito ni Laurel ay ang mismong kapatid ni Goyo na si Andrea Del Pilar noong 14 May 1944.