Kailan ka pa kaya mapupukaw
Mula sa daang-taong pang-aalila’t pang-aabuso
Sa pagdarahop ng maralita sa araw-araw
Mga karaniwang taong umaasa na lang sa lotto

Kaawa-awang mga taga-lungsod
Nagmumuning gutom, nakasakay sa jeepney
Kailangang kumita kahit kakarampot na sahod
Pambili man lang ng sardinas at mami

Habang ang oligarkiya sa salapi’y lasing
Kailan ka pa kaya, bayan ko, magigising?